Pumanaw na si dating Commision on Elections (COMELEC) Chairman Sixto Brillantes.
Ito ang kinumpirma ni COMELEC Spokesperson James Jimenez.
Ayon kay Jimenez, nasawi si Brillantes pasado alas-11 kaninang umaga.
Una nang kinumpirma ng anak ni Brillantes na nagpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) noong nakaraang buwan kung saan humihingi ang pamilya ng dasal para sa dating chairman ng COMELEC. —ulat mula kay Bert Mozo (Patrol 3)