Sumakabilang buhay na ang kilalang manghuhula na si Renato ‘Rene’ Mariano matapos itong atakihin sa puso noong Sabado, August 15.
Si Mariano o mas kilala bilang Tito Rene ay host ng programang Hiwaga, Himala at mga Panaginip na naririnig sa DWIZ tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng gabi.
Si Tito Rene ay una na ring napanuod sa iba’t ibang programa sa telebisyon partikular sa mga shows na tampok ang tinaguriang Queen of Intrigues na si Inday Badiday noong Dekada 80.
Ang labi ni Tito Rene ay nakalagak sa Florissant Chapel sa Rizal Funeral Homes sa Cementia St., Libertad, Pasay City.
Hindi pa mabatid kung kailan ang paghahatid kay Tito Rene sa huling hantungan, itinakda naman sa Pandayan, Bulacan ang paghihimlay dito.
By Judith Larino