Itinuloy ang demolisyon sa Quinta market sa Maynila sa kabila nang binuong barikada ng mga vendor doon.
Sinimulan ang demolisyon, alas-8:00 kaninang umaga sa pamamagitan nang pagpatay sa kuryente sa nasabing pamilihan.
Sinabi sa DWIZ ng isa sa mahigit 500 vendor sa Quinta market na hindi sila binigyan ng kaukulang notice para gibain ang Quinta market.
Tinutukan pa aniya ng baril ang karamihan sa mga babaeng vendor na nag barikada para mapigilan ang naturang demolisyon.
“Masyado pong marahas ang ating Mayor ngayon, lahat ng kilos niya’y iligal, hindi kami binigyan ng notice, nawalan kami ng karapatan, hinarass niya pa kami, tignan niyo ang ginagawa sa aming palengke, sinasama niya pa ang mga pulis, ‘yan naman ang gusto niya eh, giniba na ang mga bubong namin, sana masaya ka na.” Giit ng isang vendor na nagpo-protesta sa Quinta Market.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)