Walang pagsidlan ang kasiyahan ng kapamilya actress na si Liza Soberano nang ibigay ng kanyang kalovetam na si Enrique Gil bilang regalo sa kanyang ika – 19 na kaarawan sa bukas, January 4.
Ayon sa instagram post ni Liza, literal syang napaiyak nang buksan ang regalo ni Enrique na isang Chanel boy flap bag.
Aniya, ito ay ang kanyang matagal nang pinapangarap dahil napakahirap nitong hanapin at halos imposibleng makuha nya.
Ngunit ayon kay Liza, nagawa itong makuha ng kaloveteam para sa kanya.
Nagkakahalaga umano ang naturang designer na bag ng 4,662 Euros o 243, 226 Pesos.
Makikitang talagang inenjoy ni Liza ang kanyang pangarap na bag na kasama nyang inirampa sa kanyang recent trip sa Japan.
By: Rianne Briones