Ibinulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kamag-anak siyang miyembro ng Islamic State in Iraq and Syria o ISIS na nakabase sa Mindanao.
Sinabi ng Pangulo na may mga pinsan siya na dati ay miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at ngayon ay sumapi na sa ISIS.
Ayon sa Pangulo, pasensiyahan na lamang sila sakaling magkita sa isang lugar dahil alam naman ng mga ito ang posibleng mangyari lalo na kung lumalabag sa batas.
Si Duterte ang kauna-unahang Presidente na umaming may presensya na ng ISIS sa bansa, dahil itinatanggi ito noon ng nakalipas na administrasyon.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping