Nagluluksa ang Senado ng Pilipinas sa pagpanaw ni dating Senador Ramon Revilla sr.
Kasunod nito, kapwa nagpaabot ng kanilang pakikiramay sina Senate President Vicente Tito Sotto III at Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri sa pamilya Revilla partikular kay Sen. Ramon Bong Revilla Jr.
Ayon kay Sotto, kilala ang nakatatandang Revilla sa dalisay na puso, pagmamahal sa masa, at pagsasaalang-alang sa mga wala gayundin ang sa mas nakararami.
Para sa Senate president, si “Don Ramon” kung tawagin nila ang nagturo sa kaniya kung ano ang tunay na paglilingkod bayan.
Sa panig naman ni Zubiri, sinabi nito na hindi matatawaran ang iniwang legacy ni Revilla Sr. sa larangan ng pelikula at serbisyo publiko.
Tinawag nila ang 93 anyos na dating senador bilang ‘trailblazer’ sa pagawaing bayan nang i-akda nito ang Public Works Act of 1995 —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19).