Tinatayang 3.3 milyong batang Pinoy na may kapansanan ang lantad sa pang-aabuso at pagsasamantala.
Bukod pa rito, ayon sa the United Nations Children’s Fund o UNICEF, napagkakaitan din ang mga ito ng karapatan sa edukasyon at health care.
Sinabi ng UNICEF na karamihan sa mga batang ito ay nasa mahihirap na lugar sa bansa at posibleng lalo pang dumami kapag hindi natugunan ang suliraning ito.
Giit ni Julia Rees, UNICEF Deputy Country Representative, mahalagang magkaroon ng integration ng mga batang may kapansanan upang matutukan ang diskriminasyon sa kanilang hanay.
Kasabay nito, iminungkahi naman ni Vice President Leni Robredo ang pagbuo ng mga komunidad na angkop para sa mga children with disabilities.
By Jelbert Perdez