Nakakuha ang China ng mababang trust rating sa mga bansang pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino.
Ito’y ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS na ginawa mula Hunyo 24 hanggang 27 o bago ang desisyon ng Arbitral Tribunal hinggil sa gusot sa West Philippine Sea na pumapanig sa Pilipinas.
Lumalabas na 51 porsyento sa 1,200 respondents sa survey ang nagsabing maliit lang ang tiwala nila sa China habang 27 porsyento naman ang pabor dito.
Sinasabing mas mababa ito kumpara sa gross trust na nakuha ng China noong nakaraang Abril.
By Jelbert Perdez