Umapela sa Pangulong Rodrigo Duterte ang grupong Ban Toxics na aksyunan na ang nabubulok nang basura ng Canada na itinapon sa Pilipinas.
Ayon kay Anna Kapunan, Campaign Advocacy Specialist ng Ban Toxics, isang taon na sa linggong ito mula nang dumating sa bansa ang mga basura mula sa Canada.
Dalawampu’t pitong (27) container anya ng mga basura ang itinampa sa Tarlac samantalang 76 na containers sa Subic Port.
Binigyang diin ni Kapunan na kung sinunod lamang ng nakaraang administrasyon ang rekomendasyon ng senado na maghain na ng diplomatic protest sa Basel Convention Secretariat ay naaksyunan na ang problema.
Ipinaliwanag ni Kapunan na parehong signatory sa Basel Convention ang Pilipinas at ang Canada na nagbabawal sa pagtatapon ng basura ng isang bansa sa ibang bansa.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas