Handang-handa na ang National Capital Region Police Office (NCRPO), para sa ipapatupad nitong seguridad sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 25.
Ayon kay NCRPO acting Dir. Chief Supt. Oscar Albayalde, mag-dedeploy sila ng 11,000 pulis, bukod pa sa 5,000 nakareserbang puwersa.
Magkakaroon din aniya ng contingent mula sa Special Action Force at sa militar.
Sa kabila nito, tiniyak ni Albayalde na wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad.
Samantala, nakatakda namang itaas ng PNP sa full alert ang kanilang status sa Biyernes.
By Katrina Valle | Jonathan Andal (Patrol 31)