May bahid umano ng pulitika ang pagbabawal sa mga atletang mula Russia na lumahok sa 2016 Rio Olympics.
Ayon kay Russian President Vladimir Putin, posibleng magkahiwa-hiwalay muli Ang olympic Community dahil sa panghihimasok ng pulitika sa larangan ng sports.
Samantala, positibo ang pananaw ni Russian Olympic Committee Head Alexander Zhukov sa pagiging tahimik pa rin sa ngayon ng International Olympic Committee tungkol sa ginawang imbestigasyon ng World Anti-Doping Agency.
Una nang napag-alaman ng International Olympic Committee na itinago umano ng Russia ang ulat na nagpositibo sa Doping Test ang daan-daang atleta nito bago pa ng Sochi Winter Games.
Samantala, itinanggi ni Russian Athletics Federation President Dmitry Shlyakhtin ang resulta ng nasabing imbestigasyon ng World Anti-Doping Agency.
By: Avee Devierte