Puspusan ang gobyerno na ma-iangat at gawing pang-world class ang PTV 4 at Radyo ng Bayan.
Dumating sa Malacañang ang Team ng British Broadcasting Corporation at ipinakilala ang mga ito sa media na nagko-cover sa palasyo.
Pinangunahan ni Michelle Rowland ang team ng BBC World Service .
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na nangako ang BBC na tumulong sa modernization ng State Media at gawing world class ito.
Bukod sa BBC , nauna nang nag-abot ng tulong ang Japan sa gobyerno para sa mga bagong kagamitan ng Government TV Network.
By: Avee Devierte