Dalawang trilyong dolyar ang nanganganib na mawala sa ekonomiya ng mundo pagsapit ng 2030 dahil sa global warming.
Babala ito ni Tord Kjellstrom, Researcher ng United Nations.
Batay anya sa kanilang pagsasaliksik, magbabagsakan ang gross domestic product o GDP ng 43 mga bansa sa susunod na mga taon dahil sa pagbagsak ng produksyon sa trabaho.
Ayon sa research ng UN, hindi na kakayaning magtrabaho ng maraming manggagawa dahil sa sobrang init ng panahon pagsapit ng 2030 kayat babagsak ang produksyon ng mga kumpanya.
Ngayon pa lamang ay umaabot na umano sa 20 porsyento ng taunang oras ang nawawala sa mga trabahong nakababad sa init at inaasahang mado-doble ito pagsapit ng 2050 habang tumitindi pa ang epekto ng climate change.
Pinaka-apektado di umano ng pagbagsak ng kanilang GDP sa Asya ang Indonesia, Malaysia, China, India at Bangladesh.
By Len Aguirre