Hindi na mahahabol pa ng Office of the Ombudsman ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang kasong plunder laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo.
Ayon kay Atty. Jose Flaminiano, isa sa mga abogado ni Ginang Arroyo, tapos na ang PCSO plunder case laban kay Ginang Arroyo at ang tanging paraan upang mahabol siya ng Ombudsman ay maghain ng panibagong kaso laban sa kanya.
Iginiit ni Flaminiano na malinaw namang panggigipit lamang sa dating pangulo ang isinampang kaso laban dito na pinagdusahan pa niya ng 6 na taon sa Veterans Hospital.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Jose Flaminiano
Kasabay nito, muling itinangi ni Flaminiano na may kinalaman ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-abswelto ng Korte Suprema kay Ginang Arroyo.
Matagal anyang naging prosecutor si Duterte kayat sa simula pa lamang ay alam nito na walang sapat na ebidensya para madiin sa kasong plunder si Ginang Arroyo.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Jose Flaminiano
By Len Aguirre | Ratsada Balita