Siyamnapu’t isang (91) porsyento ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon ito sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa noong July 2 hanggang 8 o mataposa ng oathtaking nina Duterte at Vice President Leni Robredo.
Nangangahulugan itong overwhelming ang suporta ng mga Pilipino kay Duterte na nagsisimula pa lamang sa kanyang tungkulin bilang ika-16 na Pangulo ng bansa.
Nakasaad sa survey na 8 porsyento ng mga Pilipino ang hindi masabi kung tiwala sila o hindi kay Duterte samantalang 0.2 percent ang nagsabing maliit lamang o halos wala silang tiwala sa Pangulo.
Pinakamataas ang trust rating ni Duterte mula sa Mindanao respondents o 97%.
Anim napu’t dalawang (62) porsyento naman ng mga Pilipino ang nagsabing tiwala sila kay Robredo, 27 porsyento ang undecided at 11 porsyento ang halos maliit lamang ang tiwala sa bise president.
Samantala, 35 porsyento naman ng mga Pilipino ang tiwala kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
By Judith Larino