Nagpiyansa na ng P. 90,000 si Congressman Weslie Gatchalian para sa kinakaharap na kasong Kriminal sa Sandiganbayan 7th Division
Kaugnay ito sa pagkakadawit sa umanoy maanomalyang 80 Milyong Pisong pagbili ng LWUA o Lowal Water Ulitities Administration sa Thrift Bank na pag aari ng pamilya Gatchalian
Nag piyansa rin ng tig P. 90,000 ang 5 pang respondents sa kaso o pawang Wellex Group Incorporated Corporate Executives Dee Hua Gatchalian, William Gatchalian, Kenneth Gatchalian, Yolanda Dela Cruz at Elvira Ting
Nuong Biyernes ay nag piyansa na rin si Senador Sherwin Gatchalian kasama ang 3 pang respondents sa naturang kaso
Samantala hindi pa nakakapag piyansa ang isa pang respondent sa kaso na si dating LWUA Chief Prospero Pichay
By: Judith Larino