Igagalang ng Simbahang Katolika ang naging desisyon ng Korte Suprema na nagpapawalang sala kay dating Pangulo ngayo’y Kongresista Gloria Macapagal Arroyo
Ito ang inihayag ni Retired Bishop Teodoro Bacani Jr matapos pagtibayin ng High Tribunal ang pagbasura sa kasong Plunder na isinampa laban sa kaniya kaugnay sa PCSO anomaly
Binigyang diin ni Bacani na ang naging desisyon ng mataas na hukuman ay hindi nangangahulugan na walang ginawa ang mga hukom sa kanilang sinumpaang tungkulin na magsasakdal sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan
Ayon pa sa Obispo, ibig sabihin lamang nito na mahina ang mga ebidensyang inilatag laban sa dating Pangulo at nabigo ang mga taga-usig na patunayan ang pagkakasangkot ni Ginang Arroyo sa nasabing anomalya
Ngunit nilinaw ng obispo na ang desisyong ito ay hindi nangangahulugan na walang kasalanan ang dating Pangulo sa halip, hindi lamang nasuportahan ng mga ebidensya ang kaniyang pagkakasala
By: Jaymark Dagala