Naglabas ang Sandiganbayan 4th Division ng Hold Departure Order laban kina Senador Sherwin Gatchalian, dating LWUA Chief ngayo’y Surigao Del Sur Representative Prospero Pichay at 24 na iba pa.
Ito’y may kaugnayan sa umano’y maanomalyang Bank Acquisition Deal noong 2009.
Inilabas ang HDO bunsod ng kasong kriminal na isinampa ng Ombudsman noong nakaraang linggo, na may kaugnayan sa ginawang pagbili ng Local Water Utilities Administration o LWUA sa Express Savings Bank na nagkakahalaga ng 80-Million Pesos na pag-aari ng pamilya Gatchalian.
Sakop din ng HDO ang magulang ni Gatchalian na sina Dee Hua Gatchalian at William Gatchalian, gayundin ang mga kapatid na sina Valenzuela rep. Weslie Gatchaliuan at Kenneth Gatchalian.
Nahaharap ang mga miyembro ng pamilya Gatchalian sa kasong Graft, Malversation of public funds at paglabag sa Manual of Regulation for Banks (MORB).
By: Meann Tanbio