Isang panukalang batas ang inihain ni Senador Ralph Recto na naglalayong ilaan ang lahat ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa Health Program para hindi na ito mapakikialaman ng Malakanyang.
Sa ilalim ng Senate Bill Number 60 ni Recto, isinusulong nito na ilaan lang ang PCSO Charity Fund sa Universal Health Care at pagpapahusay ng Philippine Health Benefit Packages.
Mayroon ding panukala na gamitin ang PCSO Fund sa pag-upgrade ng mga pampublikong pagamutan.
Giit ng Senador, makabubuting wala ng maging papel o hndi na mapakialaman ng Pangulo ng bansa ang PCSO Fund para hindi na magkaroon ng alegasyon ng illegal na paggamit o illegal na pag-divert ng palasyo sa pondo ng PCSO.
By: Meann Tanbio