May ilang pagbabago sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 25.
Ayon kay House Deputy Secretary-General Artemio Adasa, wala na umanong welcoming committee at tanging mga leader ng Kamara, Senado at mga Majority Leader ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang sasalubong sa Pangulo.
Mananatili naman anya ang red carpet na daraanan ng mga dadalo kahit pina-simple na lamang sa “business attire” at hindi magagarbo ang bihis ng mga makikinig sa SONA ni Duterte.
Inalis naman ang reception line kung saan ginagawa ang pagbati ng Pangulo sa mga mambabatas at inaasahan na tatagal lamang ng kalahating oras ang SONA hindi tulad ng karaniwang tumatagal ng isang oras o higit pa.
By Drew Nacino