Tumaas ng 40 porsyento ang bilang ng mga na-impeksyon ng HIV o Human Immunodeficiency Virus sa Bacolod City.
Ayon sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital sa Bacolod City, umabot sa 81 HIV positive ang natanggap ng kanilang ospital mula Enero hanggang Hunyo kumpara sa 58 sa pareho ring panahon noong 2015.
Maliban dito ay tumaas rin sa 18 ang naitala nilang nasawi dahil sa HIV/AIDS sa unang anim na buwan pa lamang ng 2016.
Dahil dito, nanawagan sa publiko si Dr. Julius Drilon, hepe ng Corazon Locsin Hospital lalo na sa mga posibleng kapitan ng HIV na agahan ang pagpapakonsulta sa ospital upang lumaki ang pag-asa nilang magamot.
By Len Aguirre