Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang gabinete at mga pinuno ng mga departamento at ahensya ng pamahalaan na itigil na ang pag-address sa kanya bilang “His Excellency”.
Batay sa ipinalabas na memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea, tatawagin lamang Pangulong Rodrigo Duterte ang punong ehekutibo at wala nang His Excellency.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, layon nitong mapanatili ang simple at makamasang imahe ng Pangulong Duterte.
Kasabay nito, pinatitigil na rin ng pangulo ang pagkabit ng honorable sa pagtawag sa mga kalihim at sapat na aniyang tawagin ang mga ito bilang mga secretary.
By Ralph Obina | Aileen Taliping (Patrol 23)