Biro lang umano ang mga naging pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang television program sa Davao na maaaring umabot sa 100,000 ang mga kriminal na papatayin niya sakaling mahalal bilang Pangulo ng bansa.
Sinabi pa ni Duterte na tataba ang mga isda sa Manila Bay dahil dito niya itatapon ang mga bangkay ng kanyang papatayin.
Ayon kay former North Cotabato Governor Manny Piñol, mahilig lamang magbiro si Mayor Duterte.
Aniya, binawi ni Duterte sa isang panayam sa radyo ang mga naunang pahayag nito na umabot na sa 1,000 ang mga pinatay niya.
“Kahapon sa Antique, naitanong kasi ng isang radio announcer about sa sinasabi niya na crime na na-commit niya killing 1,000 people, sabi niya Am I crazy? Do you think I’m stupid, I’m a lawyer, I’m a prosecutor, do you think I’m stupid to admit publicly that I killed 1,000 people? Hindi ba nila masakyan ang biro? sabi niya.” Pahayag ni Piñol
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita