Hinimok ng isa sa mga abugado ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na maningil ito ng karampatang kumpensasyon para sa 4 na taong pagkakakulong dahil sa isang salang hindi naman napatunayan.
Ayon kay Attorney Lorenzo Gadon, dapat na ihabla ni Ginang Arroyo ang Administrasyong Aquino para sa Restitution at Compensation.
Batay, aniya, sa the United Nations Working Group on Arbitrary Detention, iligal ang 4 na taong pagkakakulong ng dating Pangulo.
Una nang inilabas ng Korte Suprema ang pagpayag nitong makalabas na si Ginang Arroyo mula sa Veteran’s Memorial Medical Center sa Quezon City matapos ibaba ng kataas-taasang hukuman ang desisyon nitong nagpapawalang-sala sa kasong pangdarambong dahil sa kakulangan ng ebidensya.
By: Avee Devierte