Inamin ng aktor na si Jake Cuenca na nag-walk out ito sa taping ng Gandang Gabi Vice kung saan ay ipo-promote sana nito ang bago niyang teleserye.
Paliwanag ni Jake, nakita niya kasi na nasa audience ng studio ang mga kandidata ng Miss Earth kung saan kabilang ang kanyang ex-girlfriend na si Chanel Oilive Thomas na kumakatawan sa San Antonio, Nueva Ecija.
Binigyang diin ni Jake na ayaw niyang ilagay sa alanganing sitwasyon ang kanyang dating girlfriend kaya’t nagpasya itong mag-walk out.
Humingi naman ng paumanhin si Jake kay Vice Ganda na naintindihan naman aniya ng host/ comedian.
By Ralph Obina