Kumpiyansa ang Philippine National Police na patuloy na bababa ang crime volume bunsod na rin ng mas pinaigting na operasyon may kaugnayan sa iligal na droga.
Ayon kay Acting PNP Director For Operations Chief Supt. Camilo Cascolan, bumaba sa 46,060 ang crime incidents ngayong buwan kumpara sa 52,850 na naitala noong Enero.
Sinabi ni Cascolan na inaasahan nilang bababa ang krimen sa nagpapatuloy na anti-drug campaign sa ilalim ng “Project Double Barrel”.
Simula noong a-Uno ng Hulyo, umaabot na sa 3,213 ang naarestong drug personalities at 239 drug suspects ang napatay sa police operations.
By: Meann Tanbio