Hiniling ng isang grupo ng mga kabataan sa administrasyong duterte na itigil ang pagpapatupad ng curfew sa bansa
Kanina, naghain ang grupong Samahan ng mga Progresibong Kabataan o SPARK sa Korte Suprema ng Petition for Certiorari Kaugnay sa naturang usapin
Hiniling ng mga ito sa High Tribunal na magpalabas ng Temporary Restraining Order o TRO laban sa mga ipinatutupad na ordinansa ng curfew sa Maynila, Quezon City at Navotas
Ipinunto ng mga kabataan ang pagpapatupad ng nasabing ordinansa na lumalabag sa karapatan ng mga kabataan para makabiyahe ng malaya
By: Jaymark Dagala