Handa umano si Pangulong Rodrigo Duterte na payaganan nang maipasa ang Bangsamoro Basic Law kung iyon ang makapagpapa-payapa sa Mindanao.
Ngunit iginiit ng Pangulo na wala dapat anumang iligal na probisyon bago niya ito payagan.
Bagaman payag ang Pangulong Duterte na mailarga na ang BBL, kailangan muna aniyang sang-ayon sa Konstitusyon ang lahat ng probisyon nito.
Isa sa hindi sinasang-ayunan ni Duterte ang pagnanais ng pamahalaang Bangsamoro na magtatag pa ng pulisyang hiwalay sa PNP.
BBL ang batas sa pagsasakatuparan ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na nilagdaan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front noong 2014.
Hindi nakapasa ang BBL sa ilalim ng Administrasyong Aquino dahil sa ilang probisyong hindi alinsunod sa konstitusyon
By: Avee Devierte