Idinipensa mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya ng kanyang administrasyon kontra iligal na droga.
Gayunpaman, aminado ang Pangulo na nahihirapaan ang mga otoridad na makahuli ng Bigtime na Drug Personality.
Una nang nakaani ng batikos ang Pangulo na panay Smalltime at mahihirap lamang na mga drug pusher ang napapatay.
Buwelta naman ng Pangulo, marami, aniya, sa kanyang mga kritiko ang nagdudunung-dunungan.
Sinabi ni Pangulong Duterte, kakailanganin niyang lusubin ang isang bansa para lamang manghuli ng mga drug lord.
Ngunit tumanggi naman ang Pangulo na tukuyin ang nasabing bansa
By: Avee Devierte