Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang 25-years franchise renewal ng Aliw Broadcasting Corporation.
Una nang pumasa sa House Committee on Legislative Franchise na pinamumunuan ni Marikina Representative Marcelino Teodoro ang nasabing panukala, saka ni-refer sa plenaryo.
Kabilang sa mga radio stations na ino-operate ng Aliw Broadcasting ay ang mga sumusunod: DWIZ 882 khz sa Manila; DWQJ 95.1 FM Naga; DWQA 92.3 FM sa Legazpi; DYQC 106.7 FM sa Cebu; DYQN 89.5 FM sa Iloilo; DXQR FM sa Cagayan de Oro; DXQM 98.7 FM sa Davao; DXQS 98.3 FM sa General Santos City; at DWQT 89.3 FM sa dagupan City.
Si Ambasssador Antonio Cabangon Chua ang Chairman Emeritus at Founder ng Aliw Broadcasting Corporation.
By Meann Tanbio | Jill Resontoc (Patrol 7)