Posibleng maghain ng kaso laban sa China ang mga mangingisda sa Zambales.
Ito’y matapos magsagawa ng forum ni Atty. Harry Roque Jr. sa nasabing lugar kasama ng 20 mangingisda upang ipaalam sa kanila ang karapatan nilang mangisda at mag-hanapbuhay sa Scarborough Shoal.
Ayon kay Roque, magda-draft siya ng reklamo at isusumite sa United Nations Committee on Economic, Social, and Cultural Rights o CESCR.
Giit ni Roque, ang kanilang saligan para sa kaso ang pagkaranas ng economic losses ng mga Pinoy fishermen dulot ng paglabag ng China sa sovereignty ng Pilipinas.
Idinagdag na gagamitin nilang ebidensya ang matagal nang pangingisda ng mga ninunong Pilipino sa Bajo de Masinloc ngunit gumamit ng water cannon ang mga Chinese upang palayasin ang mga ito mula 2011.
By Kevyn Reyes