Sumanib na sa Super Majority sa Kamara ang Liberal Party sa pangunguna ni outgoing House Speaker Feliciano Belmonte Jr
Ito ang kinumpirma ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas matapos tumawag sa kaniya si Belmonte para hilingin ang paglagda sa Coalition Agreement ngayong araw, bisperas ng SONA ng Pangulong Duterte
Kasunod nito, kinumpirma rin ni Marikina Rep. MIRO Quimbo ng LP na hindi na muling sasabak pa sa speakership si Belmonte at isinantabi na rin nito ang kaniyang target na maging Minority Leader sa ika-17 Kongreso
Sa panig naman ni Quezon City Rep. Winston Castelo, isa ring miyembro ng LP, may ilang agam-agam ang kanilang mga kasamahan sa partido kaya’t hindi na itinuloy ni Belmonte ang kaniyang mga plano
By: Jaymark Dagala