Kinondena ni Attorney Estelito Mendoza ang hangarin ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na imbestigahang muli si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Napakalupit, aniya, ng Ombudsman sa pagnanais nitong makulong muli si Ginang Arroyo gayong kalalaya lamang nito.
Una nang sinabi ng Ombudsman na nagsasagawa na ng Preliminary Investigation sa panibagong kaso ng pandarambong laban kay Ginang Arroyo.
Nag-uugat ang nasabing bagong Plunder Case sa umano’y maling paggamit ng 57 Milyong Pisong pondo ng PCSO mula 2004 hanggang 2007.
Matatandaang napawalang sala si Ginang Arroyo sa unang kaso ng pandarambong dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Lumaya ang dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Arroyo mula sa Veterans Memorial Medical Center noong Huwebes makalipas ang 4na taong pagkaka-Hospital Arrest.
By: Avee Devierte