Nababahala si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo sa pagtaas ng kaso ng child abuse sa bansa.
Kasunod ito nang pagpalo sa mahigit 2,000 ang naitalang child abuse cases sa unang quarter pa lamang ng taong ito kumpara sa mahigit 4,000 kaso noong isang taon.
Ayon kay Taguiwalo sa unang tatlong buwan pa lamang ng taon ay naitala na ang 539 na kaso ng sexual abuse sa mga kabataan, 514 child neglect cases, 418 abandonment cases, 233 sexual exploitation cases at 214 child trafficking cases.
Dahil dito, tiniyak ni Taguiwalo ang pagpapaigting sa mga programa para mapababa ang bilang ng child abuse cases o tuluyan itong mabura kayat nanawagan sila sa mga komunidad na makipagtulungan sa kanila.
By Judith Larino