Absent ang dating Senate Majority Floorleader na si Senador Alan Peter Cayetano sa pagbubukas ng 17th Congress ngayong araw na ito.
Si Senador Juan Edgardo Angara ang pumalit kay Cayetano bilang acting majority leader na kinilala naman nang bumabang Senate President Franklin Drilon.
Tanging si Cayetano lamang ang lumiban sa mga senador sa unang araw ng bagong sesyon kung saan nailuklok bilang bagong Senate President si Senador Koko Pimentel.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)