Hopeful ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang panig ng mundo sa unang SONA o State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Philippine Federation of Panay Island in Japan President Josel Palma na hanga sila sa ginagawang paglilinis ni Duterte sa hanay ng pulisya mula sa mga scalawags lalo na yung mga nakatalaga sa NAIA.
Nagbibigay ito aniya ng katiyakan sa mga OFW at iba pang mga bumibiyaheng Pinoy na hindi na mararanasan ang laglag bala scam.
Kabilang sa mga inaasahan ng mga OFW na sasabihin ng Pangulo ay pagsugpo sa kahirapan at pagpapababa sa bilang ng krimen.
Hangad din ng mga Pilipinong nasa ibang bansa na matutukan ni Duterte ang pagbibigay ng oportunidad sa mga mahihirap na Pilipino.
Nais anilang marinig sa Pangulo ang mga nakahandang trabaho para sa mga Pilipino para hindi na mapilitan ang mga itong makipagsapalaran sa ibayong dagat.
By Judith Larino