Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na palusutin na ang Bangsamoro Basic Law.
Alisin lamang muna, aniya, ang mga probisyong hindi alinsunod sa Konstitusyon.
Sa kanyang SONA, sinabi ng Pangulo na batid niyang hindi makatarungan ang mga pananamantala sa mga Muslim sa Mindanao subalit imposible, aniya, sa ngayon na maisoli lahat nang kinamkam sa kanila.
Ngunit para maiwasto ang mga nasabing Historical Injustices, iginiit ni Pangulong Duterte na Bangsamoro Basic Law ang tanging solusyon sa problema sa Mindanao.
Kaugnay nito, ibinalita ng Pangulo na inatasan na niya ang DILG na magsagawa ng malawakang Informational Campaign tungkol sa Pederalismo.
By: Avee Devierte