Naitala sa Kuwait, nitong Huwebes, ang pinakamainit na temperatura sa buong mundo.
Ito ay matapos maitala ang temperatura na 129.2 degrees Farenheit o 54 degrees Celsius sa Mitribah.
Sinundan naman ito ng Basra kung saan naitala ang 53 degrees celsius na temperatura.
Inaasahang unti-unti nang mababawasan ang init pagkatapos ng Setyembre 6.
By Katrina Valle
Photo Credit: Reuters