Nilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi lahat ng kampo ng militar ay uubrang gamiting rehabilitation centers.
Ayon kay Lorenzana, malalaking kampo lamang ng militar ang puwedeng tayuan ng mga bagong gusali na magsisilbing rehab centers.
Kabilang dito ang Fort Magsaysay sa Nueva Ecija para sa Luzon area, Camp Hamindan sa Capiz sa Visayas Region at isang military camp sa Bukidnon para sa Mindanao area.
By Judith Larino | Jonathan Andal (Patrol 31)