Ikinalugod ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon ang ginawang Affirmation ng Korte Suprema sa legalidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
Ayon kay Drilon, mahalaga ang EDCA lalo’t sa panahong ito na may kinakaharap na isyu sa West Philippine Sea dahil ang naturang kasunduan ang magiging basehan ng pagtutulungan o kooperasyon ng Pilipinas at Amerika.
Giit ni Drilon, sa simula pa lamang ay wala siyang anumang pagdududa sa legalidad ng EDCA kung saan naniniwala siya na isa itong Executive Agreement.
By: Meann Tanbio