Kayang idepensa ng Quezon City government ang ipinatutupad nilang curfew sa mga kabataan sa lungsod.
Tiniyak ito ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa ipinalabas na temporary restraining order (TRO) sa pinaiiral na curfew sa nasabing lungsod gayundin sa Maynila at Navotas.
Binigyang diin ni Bautista na tiwala silang legal ang kanilang ordinansa hinggil sa curfew dahil batay ito sa Juvenile Justice Welfare Act.
Sinabi ni Bautista na malaking tulong ang curfew ordinance dahil bumaba ang mga insidente ng rambulan ng mga kabataan sa kanilang lungsod.
By Judith Larino