Nagpalabas ng nagkakaisang pahayag ang Association of Southeast Asia Nation o ASEAN hinggil sa naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration hinggil sa sigalot sa West Philippine Sea.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay, ikinatuwa ng ASEAN ang pagkakaroon ng ruling ukol sa West Philippine Sea dahil sa nagbukas anila ito ng pintuan upang mapag-usapan ang kahalagahan ng International Law at United Nations Convention on the Law of the Sea sa pagresolba ng mga agawan sa teritoryo.
Nagpahayag din ng commitment ang ASEAN para panatilihin ang kapayapaan, seguridad at katatagan sa rehiyon.
Bahagi ng pahayag ni DFA Secretary Perfecto Yasay
Kasabay nito, nilinaw ni Yasay na hindi ito matuturing na panalo ng Pilipinas o ng China bagkus ang posisyon aniya ng ASEAN ay tagumpay ng buong rehiyon.
Bahagi ng pahayag ni DFA Secretary Perfecto Yasay
By Ralph Obina