Iimbestigahan ng senado ang umano’y kuwestyunableng pagkubra ng mga ospital at klinika sa Philippine Health Insurace Corporation o Philhealth na nagkakahalaga ng 2 bilyong piso.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman TG Guingona, nakababahalang malaman na may ilang ospital at klinika ang humahakot ng mga pasyente para makakubra lamang sa Philhealth kahit hindi malubha ang sakit o kahit mas delikado para sa pasyente.
Dahil dito, sinabi ni Guingona na sa sandaling mapatunayang totoo, isa aniyang kriminal na gawain na maglaan ng pondo na dapat sana’y sa mga lehitimo o mas nangangailangang pasyente pinagkakakitaan pa ng iilan.
Bilang premier health insurance provider ng bansa, sisiyasatin ng senado ang usapin upang matiyak na may sapat na pagpapatupad ng polisiya at mekanismo na magtataguyod sa transparency at accountablity sa mga health providers.
By Jaymark Dagala