Nagprotesta ang mga loyalista ni Bernie Sanders sa loob at labas ng pinagdausan ng Democratic National Convention sa Philadelphia, USA.
Ito’y matapos itanghal ng Democratic Party si Hillary Clinton bilang Presidential Nominee ng kanilang partido.
Sa kabila ng panawagan ni Sanders na suportahan si Clinton, libu-libong aktibista ang nagkilos-protesta upang ihayag ang kanilang pagsuporta kay Sanders at sa mga progresibo nitong agenda.
Anila, payapa silang nagpoportesta upang ireklamo na rin ang umano’y pag-eecha-pwera sa kanila ng Democratic Party.
By: Avee Devierte