Posibleng makaapekto sa crime situation sa Metro Manila partikular sa Quezon City, Maynila at Navotas ang inisyung TRO ng Korte Suprema kaugnay sa Curfew Ordinance
Sinabi ni NCRPO Director Chief Supt Oscar Albayalde na dahil sa TRO ay maaaring tumaas ang bilang ng krimen na kinasasangkutan ng mga Menor de Edad na kung hindi biktima ay sila ang mga suspek
Mangyayari aniya ito kung hindi gagampanan ng mga magulang ang kanilang responsibilidad na tiyaking nasa bahay na ang kanilang mga anak bago mag alas Diyes ng gabi
Tiniyak ni Albayalde na hindi makaka apekto ang nasabing SC ruling sa kampanya kontra krimen partikular sa pagpapatrulya nila tuwing gabi sa tulong na rin ng barangay officials
By: Judith Larino / Jonathan Andal