Hindi kakapusin ng supply ng tubig ang Metro Manila sa kabila nang pagsadsad sa critical level ng tubig sa Angat dam na pangunahing nagsu-supply ng tubig sa kalakhang Maynila.
Binigyang diin ito ni NWRB o National Water Resources Board Executive Director Dr. Sevillo David, Jr. dahil sapat pa rin ang tubig sa Angat Dam para sa pangangailangan ng mga taga-Metro Manila.
Sinabi ni David na bukod sa sinuspinde na ang supply ng tubig sa mga irigasyon sa Bulacan at Pampanga, paparating na rin ang tag-ulan sa kalagitnaan ng Hunyo kaya’t makakabawi rin agad ang tubig sa Angat Dam.
Sa pinakahuling tala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mas mababa na sa 180 meter critical level ang tubig sa Angat.
By Judith Larino