Pinawi ni dating Senator Nene Pimentel ang pangamba ng ilan na magkakawatak-watak ang bansa kapag pederalismo na ang ating sistema ng pamahalaan.
Sinabi ni Pimentel na upang matiyak ang kaayusan, kailangang hanapin kung anong aspeto ng pederalismo ang pinaka-akma sa kultura ng Pilipinas at ito ang ipatutupad.
Binigyang diin ni Pimentel na bagamat magkakaroon ng federal states, mayroon pa din iisang presidente na hahawak sa bansa.
Bahagi ng pahayag ni former Senator Aquilino ‘Nene’ Pimentel
Con-Ass
Pinayuhan ni dating Sen. Nene Pimentel ang mga komite sa mataas at mababang kapulungan ng Kongreso na magsagawa ng public hearing sa bawat sulok ng bansa.
Ito ay upang matiyak na magkakaroon ng boses sa gagawing paglipat ng sistema ng gobyerno sa pederalismo ang lahat ng Pilipino.
Binigyang diin din ni Pimentel na maliban sa pagiging mas mabilis, mas mura din aniya ang pagpapatawag ng constituent assembly kumpara sa Con-Con.
Bahagi ng pahayag ni former senator Aquilino ‘Nene’ Pimentel
By Katrina Valle | Karambola