Nagsimula na ang transition period pa-tag-ulan, pero maghihintay pa ng ilang linggo bago tuluyang makapagdeklara ng tag-ulan ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Mula easterlies, unti-unti ng papunta ng southwest monsoon ang hangin o ang tinatawag na habagat subalit aabutin pa ito ng ilang linggo bago mag-deklara ng rainy season.
Sa kasalukuyan ay patuloy pang nararanasan ang tag-init sa bansa dulot ng mahinang El Niño.
Habang ang Low Pressure Area (LPA) ay patuloy namang nakakaapekto sa dulong hilagang Luzon partikular sa Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands, habang patungo na sa hilagang-silangan na ng Okinawa, Japan.
By Mariboy Ysibido