Tinatayang 800 personnel ang ide-deploy ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang ide-deploy sa muling pagbubukas ng klase sa Lunes.
Ayon kay MMDA Traffic Discipline Office Director Crisanto Saruca, kabilang sa ide-deploy alas-5:30 pa lamang ng umaga ang mga traffic enforcer sa mga school zone.
Layon nito na ma-control ang daloy ng trapiko at maiwasan ang mga aberya habang aayusin din ang mga footbridge at sidewalk upang hindi ma-okupa ng mga illegal vendor.
Samantala, i-momonitor din ng mga MMDA personnel ang mga critical area malapit sa school zone partikular ang mga exit at entrance ng mga paaralan.
Magtatalaga rin ang MMDA ng rescue at traffic enforcement group sa Divisoria, Maynila upang tumulong sa mga pulis sa pagpapanatili ng peace and order.
By Drew Nacino