Pansamantalang ipagbabawal ng Department of Justice (DOJ) ang iba’t ibang religious activities sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ito’y matapos makarating sa kanya ang impormasyon mula sa ilang non-government organizations at mismong guwardya ng Bilibid na ginagamit din ang mga religious group sa pagdadala ng mga sangkap at gamit sa paggawa ng shabu sa loob.
Sinabi ni Aguirre na mayroong isang malaking religious organization ang nagnanais na magsagawa ng thanksgiving sa loob ng Bilibid ang hindi pinayagan upang hindi makaapekto sa operasyon ng Special Action Force.
Sa ngayon, ayon sa Kalihim ay nagsasagawa na sila ng hiwalay na imbestigasyon dito para alamin ang lawak ng koneksyon ng mga drug lord sa NBP.
By Meann Tanbio